Friday, September 21, 2012

Maligayang Pag - Uwi, Pidada!


Pag – gising sa umaga Sabado na pala, Baba agad sa building at direstso kila Tita, Ulam nila sa umaga masarap na tinola, pero ang  gusto ko sa mga paninda nila ay tuyo na isda. Hay Delicious! Kailangan mag tipid eh. Oh Ano tawa ka? Alam ko di ka tatawa sapagakat di ka naman tanga HA! HA! HA! Isa pa,
HA! HA! HA! Tama na,  tanga ka na. Pero, sa kabila ng lahat bago ako kumain ako’y nanalangin simple lang ang panalangin ko. gusto niyo sample? Okay sabi mo eh,
Panginoong nasa langit maraming salamat sa lahat ng pinagkaloob mo saakin, di niyo po ako pinabayaan sa lahat ng oras na ito, Sana poh ama Magbigay lakas saakin sa buong araw ko  ang nakahaing biyaya  sa harapan ko ama,maraming salamat  pong muli,  hanggang dito na lamang po, sa ngalan ni Jesus na dakilang kong tagapag- ligtas amen.”
Hayan  maaari niyo rin yang gawin kung gugustohin, pagkatapos kong kumain deretso sa dorm kinuha ang twalya takbo sa kubeta “BOOM!”  sumingaw ang di kanais-nais na amoy!, mukha yatang nasobrahan  kong kumain ng tuyong isda. Nang ako’y nakapalit na ng damit inayos agad ang mga dadalhing gamit. Pagakatapos ni lock ang pintuan ng makalabas na sa dorm biglang may dumaan na kiglat sa isipan ko. Dahil Naisip ko sa kakarush nakalimutan kong mag toothbrush , buhay na to di ko alam kung saan patutungo.
                P.E. Instructor (wala), “Yes”. Gen.pyschology(wala), “Yes!Yes!”.  Intro. To WWW Instructor(Busy),”Yes!Yes! show na tow!” wala ng klase! Yuhoo. Takbo agad sabay sigaw sa mga kaklase
yung attendance huwag niyo akong kakalimutan ah”.  Ayan pag kalabas ko sakto  naman si Bus FiveStar! Paputok ba yun? (Bus nga eh!). Pagka sakay ko sa Bus Puro mga opset at depressed ang mga
 mukha ng mga pasahero lalo na ang mga studyante, halatang hindi maganda ang mga nangyari sa kanila sa mga nakaraang araw nila. Pero Ok lang di ko naman sila kakilala. Si manong driver enjoy na enjoy sa pag arangkada niya sa Bus.  Ewan ko kung anong tingin nila saakin o iniisip nila habang ako’y kumukuha ng  mga imahe sa loob ng Bus Biglang sumulpot  si Manong Kundoktor. Sabay tanong ng “Saan Byahe?” nagmamadaling patanong saakin pero mukha siyang jologs nang tinanong niya ko.  Biglang nag-preno ang bus may sasakay.   Bigla akong napa shomai , ang ganda ng sumakay  pero sa kabila ng kagandahan niya, nang mag umpisa siyang mag salita biglang akong napatigil(nayari bading pala!XD) gusto kong magmura bakla naman pala. Buti nalang maraming space sa harapan. Kung hindi baka mabogbog ko pa ang walang kwentang inutil na nilalang na iyon.
         Nang makarating na ako sa isang syodad, naisipan ko munang mag pahangin sa isang Mall, Bumili

 ako ng Arozcaldo  sa turo – turo inubos, bumili ulit  at isa pang black gulaman! Wow Sulit! ang singkwenta pesos. Pagkatapos kong kumain, deretso na ako pauwi sa bayan namin habang  naglalakad ako papuntang
 

 terminal ng Van, nagkaroon ako ng interes na kunan ng imahe ang mga nagtitindang mga bata ewan ko kung bakit. Pero nang mapansin nila  ako wew! nagulat ako nang magdabog sila sa payphone dali - dali akong naglakad nagalit ata,

at kunwari nangunguha pa ng  iba’t ibang imahe sa syodad na iyon. madali akong nakarating sa terminal ng Van  ayun! Hayahay na ang buhay ko, sa loob ng Van Siksikan. Di ako makagalaw ng maayos itong katabi ko namang babae nababahala ako baka tumulo ang laway nito sa balikat ko o kunwari lang yatang natutulog ito para makapuntos, hay naku nagtiis na lamang ako.

 Pag dating sa katabing  bayan namin kailangan ko pang sumakay muli ng trisikel. Para makauwi na  nakasabay ko naman ang dati kong kaklase noong high school kiniwento ko rin sa kanya ang mga nangyari saaking pag – uwi. Ayon nakauwi na ako may tanong ka pa?  kung wala na salamat dahil nag – basa ka.
                Saaking pag-uwi meron akong mga bagay na natutonan. Marami mang asungot diyan sa tabi tabi , pilit kang ibinababa at ibinababa pa talaga. Patuloy pa rin ang daloy ng mga kwento ko sa buhay ko. Kailangan nating maging matatag at maging masipag. Piliin rin ang tamang daan patungo sa gusto mong puntahan. Kailangan rin mag desisyong Mabuti kung anong tama o mali.BOW!

No comments:

Post a Comment