Friday, September 21, 2012

Maligayang Pag - Uwi, Pidada!


Pag – gising sa umaga Sabado na pala, Baba agad sa building at direstso kila Tita, Ulam nila sa umaga masarap na tinola, pero ang  gusto ko sa mga paninda nila ay tuyo na isda. Hay Delicious! Kailangan mag tipid eh. Oh Ano tawa ka? Alam ko di ka tatawa sapagakat di ka naman tanga HA! HA! HA! Isa pa,
HA! HA! HA! Tama na,  tanga ka na. Pero, sa kabila ng lahat bago ako kumain ako’y nanalangin simple lang ang panalangin ko. gusto niyo sample? Okay sabi mo eh,
Panginoong nasa langit maraming salamat sa lahat ng pinagkaloob mo saakin, di niyo po ako pinabayaan sa lahat ng oras na ito, Sana poh ama Magbigay lakas saakin sa buong araw ko  ang nakahaing biyaya  sa harapan ko ama,maraming salamat  pong muli,  hanggang dito na lamang po, sa ngalan ni Jesus na dakilang kong tagapag- ligtas amen.”
Hayan  maaari niyo rin yang gawin kung gugustohin, pagkatapos kong kumain deretso sa dorm kinuha ang twalya takbo sa kubeta “BOOM!”  sumingaw ang di kanais-nais na amoy!, mukha yatang nasobrahan  kong kumain ng tuyong isda. Nang ako’y nakapalit na ng damit inayos agad ang mga dadalhing gamit. Pagakatapos ni lock ang pintuan ng makalabas na sa dorm biglang may dumaan na kiglat sa isipan ko. Dahil Naisip ko sa kakarush nakalimutan kong mag toothbrush , buhay na to di ko alam kung saan patutungo.
                P.E. Instructor (wala), “Yes”. Gen.pyschology(wala), “Yes!Yes!”.  Intro. To WWW Instructor(Busy),”Yes!Yes! show na tow!” wala ng klase! Yuhoo. Takbo agad sabay sigaw sa mga kaklase
yung attendance huwag niyo akong kakalimutan ah”.  Ayan pag kalabas ko sakto  naman si Bus FiveStar! Paputok ba yun? (Bus nga eh!). Pagka sakay ko sa Bus Puro mga opset at depressed ang mga
 mukha ng mga pasahero lalo na ang mga studyante, halatang hindi maganda ang mga nangyari sa kanila sa mga nakaraang araw nila. Pero Ok lang di ko naman sila kakilala. Si manong driver enjoy na enjoy sa pag arangkada niya sa Bus.  Ewan ko kung anong tingin nila saakin o iniisip nila habang ako’y kumukuha ng  mga imahe sa loob ng Bus Biglang sumulpot  si Manong Kundoktor. Sabay tanong ng “Saan Byahe?” nagmamadaling patanong saakin pero mukha siyang jologs nang tinanong niya ko.  Biglang nag-preno ang bus may sasakay.   Bigla akong napa shomai , ang ganda ng sumakay  pero sa kabila ng kagandahan niya, nang mag umpisa siyang mag salita biglang akong napatigil(nayari bading pala!XD) gusto kong magmura bakla naman pala. Buti nalang maraming space sa harapan. Kung hindi baka mabogbog ko pa ang walang kwentang inutil na nilalang na iyon.
         Nang makarating na ako sa isang syodad, naisipan ko munang mag pahangin sa isang Mall, Bumili

 ako ng Arozcaldo  sa turo – turo inubos, bumili ulit  at isa pang black gulaman! Wow Sulit! ang singkwenta pesos. Pagkatapos kong kumain, deretso na ako pauwi sa bayan namin habang  naglalakad ako papuntang
 

 terminal ng Van, nagkaroon ako ng interes na kunan ng imahe ang mga nagtitindang mga bata ewan ko kung bakit. Pero nang mapansin nila  ako wew! nagulat ako nang magdabog sila sa payphone dali - dali akong naglakad nagalit ata,

at kunwari nangunguha pa ng  iba’t ibang imahe sa syodad na iyon. madali akong nakarating sa terminal ng Van  ayun! Hayahay na ang buhay ko, sa loob ng Van Siksikan. Di ako makagalaw ng maayos itong katabi ko namang babae nababahala ako baka tumulo ang laway nito sa balikat ko o kunwari lang yatang natutulog ito para makapuntos, hay naku nagtiis na lamang ako.

 Pag dating sa katabing  bayan namin kailangan ko pang sumakay muli ng trisikel. Para makauwi na  nakasabay ko naman ang dati kong kaklase noong high school kiniwento ko rin sa kanya ang mga nangyari saaking pag – uwi. Ayon nakauwi na ako may tanong ka pa?  kung wala na salamat dahil nag – basa ka.
                Saaking pag-uwi meron akong mga bagay na natutonan. Marami mang asungot diyan sa tabi tabi , pilit kang ibinababa at ibinababa pa talaga. Patuloy pa rin ang daloy ng mga kwento ko sa buhay ko. Kailangan nating maging matatag at maging masipag. Piliin rin ang tamang daan patungo sa gusto mong puntahan. Kailangan rin mag desisyong Mabuti kung anong tama o mali.BOW!

Wednesday, September 19, 2012

Bakit? Galit ba?



Bakit? May galit ba ako sainyo? Sa tingin niyo lang!,  pero ang totoo niyan gusto kong Makita ang aking Noo oha? Gaya ni Patrick, sadyang kahanga hanga siya diba. Bagkus siya rin ay nakakamangha. Kailan ba ako tatantanan ng mga panghihinala ng mga taong mapanghinala, samantalang gusto ko lang Makita ang aking Noo!xD.
Huwag mag alala. Dahil sa sobrang dami ko ng aktibidad sa buhay ko, minsan napapawalang-saysay ko na ang makisama sa mga importanteng tao sa buhay ko lalo na sa taong naging Inspirasyon ko simula pa noon. Isipin mo nalang na ikaw yung noo ko at gusto kong Makita na masaya. 

Thursday, September 6, 2012

Acquaintance Party Ni Dodong

Acquaintance na namin muli habang ang lahat ay nag hahanda ang iba para sa mga reward,pinag-aaralan ko naman kung paano mag program about android. Ito namang kasama ko na ang pangalan ay Marlon, Nag aaral naman siya about sa pag – gawa ng Website. Parang wala akong gana sa acquaintance naming sapagkat alam ko na ang mangyayari mamaya.  Buti pa sila enjoy na enjoy silang gumagawa ng sash para sa reward ng mga candidate na mananalo kung minsan  nag aasaran sila, nakakatuwa silang lahat.
                Pagkatapos mag ayos at mag prepare ang lahat   Nang Mag umpisa na ang Party  grabe ang taranta ng mga Department dahil sa mga music pati ako kasali sa mga natataranta pero ok  lang at masaya naman ang lahat . Some Of The Instructors ay kumanta at nag freestyle natatawa ako akala ko sila ang kumakanta.  Nang matapos silang kumanta  Bumaba muna ako  para kumuha ng pagkain  sa  nakahaing pagkain Buffet ata iyon, ewan ko , alam niyo na yun.grabe habang nasa loob ng music warehouse gumagawa ako ng article ko para masaya.
Nag Enjoy ako sa naging work ko sa Technical department ba iyon? Bahala na basta sa acquaintance  sulit xD. Kunti man ang nakain ko pero  busog pa rin ako sa unlimited Ice Tea. Sa Ulam meron kunting  Fish Fillet at kalahating Lechong manok (kalahati talaga ah! xD). 
Nang matapos ko na ang obligasyon ko sa Technical Department nagsimula na akong mag habol ng mga candidates naming para kunan ng mga larawan  kumuha rin ako sa mga Kaibigan  pero di ko na ipapakita  haha baka pagkaguluhan niyo lang(kapal), pero gusto ko sana kumuha rin ng larawan sa kwarto kung saan nag-aayos ang mga candidates pero naisip kong huwag na, dahil baka makakita lang ako ng ikamamatay ko xD.
Sa bawat saya at ngiti na nakikita ko sa mga katulad kong studyante at mga faculty members ay hindi ko pa rin maipinta ang kanilang mga mukha ang tunay na kahulugan ng kaligayahan ng buhay, dahil sa mga hirap na dinanas ng bawat nilalang. Samakatuwid ay pinipilit pa rin nating ngumiti at lumalaban sa mga pagsubok ng ating buhay kahit na tayo ay nahihirapan na. Sa mga kaibigan ko maraming salamat  dahil nandiyan kayo parati kung di dahil sa inyo malamang tuluyan na akong naging isang hangal Malabo man ako kung minsan o di niyo ako maintindihan  masaya parin kayo na kasama ako.
Kung ano man ang landas na ating tatahakin, wag kang matakot  kahit may kumakahol pang aso diyan sa tabi - tabi . Kaya natin yan dahil walang mahirap sa taong walang takot, pero matakot ka  sa amang nasa langit ah.  
Naku! Overtime na kami dito sa warehouse pero pinakiusapan ng aming kagalang galang na Dean na patapusin muna ang awarding  kaya bago ang awarding nagpalaro muna silang muli at pagkatapos  ng palarong iyon ay i-aanounce na nila kung sino ang  mga nanalo kaya habang nag – aanounce sila ay nag aayos narin ako ng aking gamit para deretso na kami ng kaklase ko sa dorm ko para mag pahinga .  Masaya ang lahat nang matapos na  ang party. 

Wednesday, September 5, 2012

Ang Dakilang Boarder

                Bakit kaya  Dakilang Boarder ang naisip kong unang  i-post? Malamang siguro marami na akong pinag daanan sa buhay na ito. Noong First Year College na ako, nakakapanibago , Grabe di ko alam kung paano ako makakapag –adjust at kung paano ako mag uumpisa. Di kasi katulad doon sa bahay namin na kahit nakaupo ka lng ay maayos ang room, katatapos palang ang kainan  May Dessert na sa harapan mo sa madaling salita batogan pero hindi naman masyado kasi tumutulong naman ako sa pagtitinda sa aming bayan somewhere here in Pangasinan.  Sa bago kong room, ay bedspacing may kasama ako sa kwartong iyon . Nababahala ako noong mga araw na iyon, Hindi ko alam kung mapapagkatiwalaan tong kasama ko. Kaya Naisip kong bigyan siya ng tatlong pagsubok, Habang  wala siya  nagkalat ako ng pera(20.00 Php lang pero!) sa  sahig bago ako umalis. Kapag biglang nawala ang perang iyon at nakita kong nandun siya That person cannot be trusted para saakin.  Sa unang pagsubok pumasa naman siya. Ngayon sa Pagkain naman  ok lang naman siya kasi nag shi-share naman  ng pagkain.  At ang panghuli ay sa kalinisan ng kwarto. Maayos siya  kaya medyo ok na saakin tong taong ito sabi ko sa isipan ko. Kung Minsan napapasabay ako sa pagbabasa niya ng kaniyang reviewer para sa kanilang Bar Exam. Nang Matapos na ang kanilang Bar Exam Tuwang – tuwa ako, kasi solo ko na yong  isang room.  Ayos kasi yung napili kong boarding house katabi lang ng school namin. Yung campus naming is building na katabi lang ng aking  boardinghouse. Meron na rin kainan pag gutom ka pero mas gusto ko pa rin mag tipid  kasi masyadong mahal saakin ang 50 pesos(Ulam at kanin) medyo may katakawan rin kasi ako kaya pumupunta  pa ako sa mas mura pero malayo, nilalakad ko pa bago ako makakain. Meron rin yung time na pamasahe ko nalang ang natitira sa wallet ko  tapos hilong hilo pa ako ay di na ako kumakain. Tatatawagan ako  ng mga classmate ko na kumain pero wala akong pera kaya nag – sinungaling nalang ako na busog na ako kumain na ako kanina. Ayaw ko rin naman mangutang dun sa kainan dahil nakakahiya.  May nakaaway narin ako dito sa syodad ng Dagupan . Habang natutulog kasi ako, sa katabi naming building  may mga taong nag- iingay tawa sila ng tawa maingay di ka makatulog. Nang di ko na nakayanan  sinigawan ko na sila “Mga shomai mag – pakatulog naman kayo, inom kayo ng inom di na kayo naawa sa mga magulang ninyo” ayon tumigil sila. Pagsapit ng alas tres ng umaga may nag aaway away na sa gate ng aming boarding house nagising ako lumabas ako inawat ko sila and then isang tomboy ang nadatnan ko minumura niya yung kapitbahay namin  ”tama na  ” sabi ko pero  nag simula naman siyang mag mura sa harapan ko habang umaakyat kami, meron pang tumalon na parang palaka sa harapan ko at hinamon ako ng suntukan wala akong nagawa, wala akong laban tatlo sila mag isa ko lang . kaya umatras nalang ako para matapos na . Kinaumagahan  inireport ko nalang sa aming landlord ang nangyari, Ayon napatalsik sila sa boarding House. Isa pa, di lang pala ako ang nagreklamo sa kanila, halos lahat kaming mga kasama nila sa loob ng boarding house at mga kapit bahay ay suportado naman saakin, kaya masaya.


                Mahirap man ang Maging Boarder, Sulit parin dahil Dakila Ang isang maging Boarder. May masama, masayang kasama at kung ano- ano pa Marami ka rin makakabunggo at makikita na pag uugali ng mga nakakasalamuha mo. Paalala lang Wag ninyo silang uutangan sapagkat marami silang pangangailangan , Mas mabuti  pang pautangan ninyo nalang sila Kung kinakailangan. Kung Minsan Homesick, Kung minsan Depressed. Kahit kung minsan  naiinis sila saakin ok lang sapagkat parte ng buhay ang kainisan ka pero meron rin mga taong gusto kang kasama. Basta Sa pagkain kung may Maggi Savor(Liquid Seasoning) at Mang tomas ihalo sa kanin busog ka na . Kaya bago matapos ang madrama at medyo OA na kwento ko ay gutom na ako.